Be Grateful.
Ang ganda ng talk kahapon sa South Feast, care of Bro. Michael what's-his-name. It's about Tithing.
Sa Children's Ministry, ang ganda ng pagka-interpret ni Kuya Toto. As a general rule, what goes up, must come down. So pag nagbato ka ng isang bola pataas, isa ang babagsak. Pero pagdating kay Lord, pag nagbato ka ng isang bola, maraming babagsak. Parallel that to the abundance of blessings He give us. Ganun Siyang ka-generous magbigay ng blessings. Pero syempre, kelangan mo rin ibalik Sakanya. As a way of thanks.
Sa Feast naman, parang ganun din yung principle. Imbis na maging reklamador ka, yung tipong "Eto nanaman ulam? Nakakasawa naman oh!", change your prespective. Be grateful. Magpasalamat ka kaya kay Lord na nagising ka! Or na humihinga ka pa. Wag yung laging nakasimangot na "Bwisit na buhay to." yung laging sinasabi. Isipin niyo, may kinakain ka. May tinitirahan. May pamilya. May mga taong nagmamahal sayo. Samantalang yung ibang tao, wala! Ganun kang ka-blessed. Kaya in turn, ibalik mo naman.
Standard lang yung sinasabing 10% of your income ang ibibigay sa tithe. If you can give more, eh di mabuti! Kung sa Feast, sobrang binebless ka, eh di try mong bigyan sila ng more offerings para may mabless pa silang iba. Wag kukuripot.
Kung invited ka sa birthday ng President, syempre magbibigay ka ng regalo. Eh since presidente yun, papantayan mo dapat yung regalo mo. Dapat pang president yung regalo mo. Kung birthday ng bishop, papantayan mo din regalo mo. Kung king naman, aba syempre pang hari dapat regalo mo. Eh pag kay Lord? Fit for the Almighty Father ba ang binibigay mo? Diba yun yung regalo mo? Sa dinamidami ng blessings niya sayo, pantayan mo naman kahit papano!
Ang daming ginawa ng Diyos para satin. He sacrificed His one and only Son for us. Jesus died on the cross for US. Para mawalan tayo ng sala. Para maging malinis ang kaluluwa natin. Diba tama lang na ibalik natin kahit papano yung hirap na dinanas niya para lang sa atin? Kaya may mahirap. Di kasi sila nagbibigay sa Diyos. Eh tayo ngang may kaya, di parin tayo magbibigay? At kung magbibigay man, kakurampot lang? We know we can give, so why not give more? Magtiwala tayo kay Lord. He can multiply what we give ten-fold. Yun ngang widow sa Bible, binigay lahat ng pera niya kay Lord. Bakit? Kasi nagtiwala siya. Di siya nagdududa. Alam niyang ibabalik yun ni Lord. Sow in times of famine. Kung kelan ka naghihirap, go parin sa pagtulog, sa pagserve, sa pagbigay.
Kasi parang kaibigan yan. In times of hardship mo malalaman kung sino ang totoong kaibigan. Kay Lord, ganun din. In times of hardship niya malalaman ang tunay na nagmamahal sakanya.
Monday, April 12, 2010,5:58 PM |
comment |
0 comment(s)